Saturday, July 2, 2016

Artikulo

Wikang Filipino 

"Gaano man kahusay ang manunulat – sa Ingles man o Filipino – walang epekto ang kanyang akda kung hindi edukado ang nagbabasa"



Ang wikang Filipino ang tugunan ng pag-epiktibong paraan para magkaisa ang bansang Pilipinas
MARAMI ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles.




          
Kasaysayan ng Wikang Filipino

            Sa elementarya pa lamang, itinuturo nang ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7,000 isla at napapalibutan din ng mga bundok, burol at iba pang mataas na anyong lupa, gayon din ng mga dagat, ilog at iba pang malalaki at malalalim na anyong tubig. Dahil sa ganitong heyograpikong katangian, hindi kataka-takang nagkaroon ang bansa ng maraming hiwa-hiwalay na etnolinggwistikong grupo na may sari-sariling katutubong wika. Sa mga pananaliksik ni Constantino (1990), nakitang mahigit sa apatnaraan (400) ang mga wika at wikain sa Pilipinas.
            Maiisip lamang na ang ganitong kaligirang pangwika ang isa sa mga pangunahing dahilan ng malawakang pagkakawatak-watak ng mga mamamayang Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan. Bakit nga kaya malimit na natatala sa kasaysayan ng bansa ang kawalan ng pagkakaisa ng damdamin at pananaw ng mga Pilipino tungo sa kanilang mga layunin at hangarin para sa bayan? Bakit malimit silang hindi nagkakaunawaan sa kanilang mga iniisip kaya madalas silang magkaroon ng samaan ng loob at inggitan?
  Sa panahon ng mga Kastila, matagumpay na lalong nahati at lubos na nasakop ng mga dayuhan ang mga Pilipino sa loob ng mahigit na tatlong daang (300) taon. Hindi nila itinuro ang wikang Kastila sa mga katutubo. Mas ginusto nilang manatiling mangmang at hiwa-hiwalay ang mga ‘indiyo” sa takot na mamulat ang mga ito sa mga korapsyong nagaganap sa paligid at matutong maghimagsik laban sa kanilang mapang-aping pamamahala. Bunga nito, ang mga prayleng Kastila mismo ang nag-aral ng katutubong wika ng iba’t ibang etnolingwistiko grupo. Mga wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon at ang mga ito rin ang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pagtuturo ng relihiyon sa iba’t ibang grupo. Maiisip lamang na tumagal ang pananakop ng mga Kastila sa kabila ng kanilang mga pagmamalabis pagkat hindi nakapagsanib ang lakas at talino ng maraming Pilipino dahil sa kawalan ng iisang wika.

            Ang unang pagsisikap na magkaroon tayo ng opisyal na wikang gagamitin sa pakikipagtalastasan ng mga Pilipinong nagmumula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at gumagamit ng iba’t ibang wikain ay unang naitadhana sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897 pagkatapos ng ginawang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa pamahalaang Kastila noong 1896. Nasasaad sa probisyon ang ganito: “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino.” Ang probisyong ito ay bunga ng nakitang pagkakaisa ng damdaming Pilipino dahil sa mga akdang nasulat sa wikang Tagalog noong panahon ng propaganda. Ang pagkakaisang ipinamalas ng mga sumapi sa samahang pinangungunahan ni Andres Bonifacio ang lalong nagpatibay sa paniniwala ng mga lider na Pilipino na ang daan sa pagkakaroon ng kasarinlan ng mga Pilipino ay isang wikang pambansa. Ito ang lakas na siyang lalagot sa pagkakagapos ng mga mamamayang Pilipino.

Sa Asya o maging sa ibang kontinente tulad ng Amerika, Australia, Aprika, Europa, bawat bansa ay may isang natatanging wikang ginagamit lamang. Kung may pagkakaiba man sa kanilang pagsasalita, yun ay ang aksento o paraan lamang ng pagsabi ng mga salita. Samantala sa bansang Pilipinas, hindi lang iisa ang ginagamit na wika ng mga tao. Hindi lamang ang pambansang wika na Tagalog o Filipino ang ginagamit nila. Maraming magkakaibang dayalekto sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, isa o dalawang dyalekto para sa bawat pangkat ng Pilipino sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Ang dayalekto   ng mga tao sa Pilipinas ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Kahit na may isang pambansang wika ang Pilipinas, iba-iba parin ang ginagamit ng mga mamamayan dito. Ilan sa mga dayalekto ay ang Ilokano, Kapampangan, Bisaya at marami pang iba. Ang ibang dayalekto din naman ay may iba’tibang klaseng dayalekto(subdialect)pa tulad ng . Halos lahat naman ay marunong magsalita ng wikang Filipino pero may mga Pilipino paring hindi gaanong marunong magsalita ng Filipino, ang iba nga’y ni hindi man lang marunong magsalita ng pambansang wika. Ang alam lang ng iba ay ang kanilang dayalektong kinalakihan. At dahil dito, maraming Pilipino mula sa iba’t-ibang lahi ang hindi nagkakaintindihan kapag sila na ay naguusapusap. Halos lahat din ng Pilipino ngayon ay hindi alam ang mga ibig sabihin ng mga tagalong na salitang medyo malalim na ang ibig sabihin, mga salitang ginagamit pa ng mga naunang Pilipino. Ang pagkakaroon ng iba’tibang dayalekto ang dahilan kung bakit nahihirapan umunlad ang bansa. Hindi magkaisa ang mga Pilipino sa pagalam ng kanilang wikang Filipino. Kailangang matutunan ng lahat, maging ng mga nasa kasuluksulukan ng Pilipinas o sa mga pinakaprobinsya ang wikang pambansa upang hindi maliitin ng mga nakakaunlad na bansa ang mga Pilipino.













No comments:

Post a Comment